my 21 honours' |
Young Archers |
Hindi ko alam kung anong paraan ang gagawin ko sa 7B, ako mismo ay nahihirapan. Nagtatanong kung bakit nga ba ganito ang nais mangyari sa akin. Kailangan bang masaktan bago ka matuto? Bakit ganito ang buhay ng isang guro.
Masaya na akong makita ang mga anak ko sa 7B na sila ay pinaparangalan dahil sa kanilang hirap na ginagawa sa kanilang pag-aaral. Gusto kong masilayan ang kanilang mga ngiti na gumuguhit sa kanilang labi. Gusto kong marinig sa kanilang labi na sila ay nagagalak dahil sa gantimpala na kanilang nakamit at bunga ng pagmamalasakit sa kanilang pag-aaral at para sa kinabukasan ng ating bayan. Sila ang mga kabataaan na bubuo ng henerasyon para sa bukas.
Sir Mond feeling Proud :D |
Pumunta kami nina Abeh at Julia sa Yellow Cab upang bumili ng pizza para sa 7B labis akong natuwa dahil kahit papaano naigala ko ang dalawa sa nalulugmok na sitwasyon na nangyayari sa ULS. Dahil nakakatamad panoorin ang isang kadamakmak na bata pinaparangalan na hindi mo naman alam kung nagpurisigido ba sa pag-aaral o umasa na lamang sa mataas na grade pero wala namang natutunan.
Gayunpaman. Humihingi ako ng patawad sa aking mga anak sa 7B na sana na maging bukas ang isipan nila sa mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan na ginagalawan. Huwag makakalimot na dalawin ako kahit sila ay Grade 8 na. Ipinagbubunyi ko ang karangalang natamo ninyo sa inyong pag-aaral. Mahal na mahal ko kayo mga anak 7B.
No comments:
Post a Comment