Blog Archive

Friday, 4 March 2016

Braso sa Tenga, Baba sa Chest, Ready Set DIVE!!!



Braso sa Tenga, Baba sa Chest, Ready Set DIVE!!!
by: Rhen Dancel and Mond Verana



I.
Masaya ang maligo sa asul na paliguan
Katabi ang mga luntiang mga puno
Sa ilalim nang taginting na hiyas ng araw,
Habang umiindak ang mga ulap.

II.
Sa bawat paghamapas, braso'y lumalakas
Hindi inaalala pagod na nadarama.
Sa mga kasamaha'y humuhugot ng ligaya,
Kaunti man ang bilang, galak pari'y lamang.

III.
Hindi man bakas
Ang matinding hapo na nadarama Noong nagdaang araw.
Heto't masaya
Lumalagatak ng tawa.

IV.
Langoy pa, oh! Langoy pa!
Kabataang may laya!
Magpaanod sa kasiyahan,
Mapayapa nawa'ng kinabukasan.

V.
At kung ika'y malunod kabataan sa dagok ng tubig,
Huwag mong iisipin na wala nang bukas.
Tandaan mo kabataan ikaw ang pag-asa ng bayan,
Ayon sa ating makatang si Gat. Jose Rizal.

VI.
Sa paghinga'y mahirapan man o sa pagtalo'y magalinlangan,
Laging tandaan, sa una lamang yan!
Pasasaan ba't sa'yo na magmumula ang paggalaw,
Tubig ay sasangayon na lamang sa dinikta ng isang ikaw.


-footnotes:
© by Mr. Dalferhen Dancel
Muli ako nanabik sa pagsulat ng tula. Sa muling pagsulat nito'y masaya pala kapag may katulong kang sa pagdibuho ng mga letra, salita at taludtod sa bawat saknog :) Cheers Sir Rhen ٩(- ̮̮̃-̃)۶

No comments:

Post a Comment