Blog Archive

Friday, 11 March 2016

Suragao Cactus

Suragao Cactus
March 9, 2016

Nanliligid ang luha ko, nanlalamig ang pawis at hindi ko maiwasan na matulala. Hindi pala gaano kadali ang magtanim ng Suragao Cactus sa pamantasang nais na uminog sa buhay ko. Naiiyak ako... habang kausap ako ni Prop. Buban dahil hindi ako nakapasa sa Entrance Exam, wala akong salita na mahukay sa aking sarili, malalim ang pagkakabaon nito at wala akong mahigilap na sagot.

Suragao Cactus
Malakas ang pakiramdam ko na hindi ako nakapasa sa Entrance Exam simula noong sinabi ni Ms. Malou na may interview ako kay Prop Buban. Tama nga ang hinala ko. Unang pumasok sa isipan ko: Hindi ata ako nakapasa sa Exam. Hindi nga nagbibiro ang tadhana, binagsak ko ang pagsusulit sa Entrance Exam. Bakit ganito kailap sa akin ang kapalaran?... Bakit kailangan maranasan ko ang bumagsak?... Sa Exam lang ba naipapakita kung gaano ka kagaling?... Minsan nagtatanong ako sa sarili ko... Ganun na lang ba ako kahina sa sarili ko? May pinag-aralan naman ako... pero bakit ganun ang naging resulta ng exam ko? Alam kong hirap ako sa Math, pero pinagtyagaan ko ang exam ko, nag-alay ako ng kaunting panahon para sa pagrereview... Nadalian ako sa Major ko, medyo ok lang naman sa akin ang Verbatim... baka nagkamali lang ang ICTC. Ginawa ko pa rin ng makakaya ko. Nagdesisyon na ang aking tadhana, hindi ako nakapasa sa exam, ngunit lumaban pa rin ang Suragao Cactus ko... alam ko nakatadhana sa akin ang magtanim ng halamang ito sa Unibersidad na ito at habang binubuhay ko nang may pagsisikap at taos puso, makikita nilang lahat na ito ay magiging isang puno at pumapaimbulog pataas. Titiyakin ko na may puso akong at malinis sa pagkakagawa nito. Mula sa aking pangarap hayaang maging abo ito sa katotohanan.



Kanino ba dapat ako humingi ng patawad sa sarili ko o sa Diyos? O pareho lang? PATAWAD. Gusto kong mag-aral at sisiguraduhin ko na “hinuhuwad ang mga salita mula sa parĂ¡ng at sa kasukalan nito tila uusbong ang isang munting Suragao Cactus hanggang sa umindayog at pumaimbulog ito pataas, hanggang linangin, makita at mabasa ang kanyang Obra Maestro.” Kahit mahirap sisikapin kong mag-aral dahil may pangarap ako at sisiguraduhin kong makakakuha ako ng medalya na alam kong pinaghirapan at pinagsumikapan ko ito. Ang lahat ng ito at alam ko na ako ay isang Ordinaryong tao na bumubuo ng Suragao Cactus sa malawak na disyerto ng diaspora.

No comments:

Post a Comment