Campus Journalism 2011
Position as Copy Editor
Entry for Essay
Hindi
lahat ng gusto mo ay GUSTO ko!
Raymond
Verana
Minsan nakatutulig na sa tenga
ang mgasinasabi ng mga Propesor, halimbawa si Ms. Reading “Pls. read your book on pages 46-96 for the recitation tomorrow” at
ito pa si Ms. Reaction “Make a reaction
paper regarding on what have we watched today, make it 5 pages, Arial 11 and
single space” at syempre hindi rin magpapahuli si Mr. Talkative na puro salita ng
salita pero hindi maintindihan ang sinasabi niya dahil wala naman konekta sa lesson
namin. Ito pa ang malupit na Propesor na ayaw magpahuli si Ms. Presentation “I need your presentation on Friday, that
would be your Midterm Examination!” Gusto ko sanang sabihin sa kanya, “Ma’am Monday? Eh Wednesday pa lang tapos Friday
presentation at Midterm Exam.
Wow! Ano kami si Superman at Wonderwoman at kayang gawin ang lahat ng
gusto mo!” Gusto magrebelde ng utak ko at mag-rally sa loob ng klasrum at isigaw
“Ibagsak ang mabalasik at maladikdaturyang pamamahala!.”
Isang araw,
habang nakaupo ang aming Propessor na si Ms. Technology bigla nakita niya ang klasmeyt ko
“Felix Navidad, bakit lagi kang absent
at wala kang pinapasang mga assignment at
project... Sabagay bagasak ka na pala at
i-retake mo na lang ito sa next semester.” Astig ng Propesor namin,
bagsak kaagad at wala kang panahon upang ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit ka absent. Dinaig pa niya si Bin Laden
patay ka kaagad!
Umiinit na ang
ulo ko at naaburido na ako sa mga Propesor ko tulad nina Ms. Reading, Ms. Reaction, Mr.
Talkative, Ms. Presentation at Ms. Technology itolang ang gusto
kong sabihin sa inyo, “Hindi lahat ng gusto mo ay gusto ko!
Kuha mo?” Itinutulak ninyo ako sa maling pamamaraan, maling pamumunong buhay ko, ano ba
ang sa tingin ninyo sa sarili ninyo kayo si President Marcos at Gloria at
para maging tuta na sunod-sunuran sa inyo. Ipinanganak ako ng Nanay ko upang magkaroon ng
kaalaman at magamit ko ang Edukasyon sa buhay ko. Sa inyo na ang
katalinuhang kulang sa puso, pero sa akin ang karapatan.
Dahil nagbago na
ang panahon iba na ngayon ang pamantayan sa talino, kapag sa ulo mo ang buong libro,
kapag nagsasalita ka ng Ingles, kapag plastik ka sa harap ng titser at klasmeyt mo at
higit sa lahat kung sunod-sunuran ka sa titser mong kamukha si Gloria at Marcos.
Dahil Luntian kaming naturingan,
nasaan na ang ipinagmamalaking mong “Teaching mind o Torture mind, Touching heart
o Torn heart, Transforming lives o Destroying lives” Pero ganun pa man,
bago ko isarado ang panuntunan ito. Ito lang ang masasabi ko “Nasa dulo ng pulang
pen ng titser ko ang grado ko at tiyak umiinit na ang ulo niya sa kababasa nito at kaya
naman titigilan ko na ito bago pa ako magmukhang kontrabida.”
No comments:
Post a Comment