Blog Archive

Sunday, 6 March 2016

Suragao Cactus - DLSU-M

VERANA, RAYMOND MANLIGUEZ
Master sa Sining sa Araling Filipino: Wika, Kultura at Midya (MAARFIL)

            Nais kong masilip ang oras na tila mismo isang silweta... naanigan, nababanagan, ang iba’t ibang silahis nito. Ngunit ang oras na ito ay sapat na, upang maglakbay at buksan ang lagusan mula sa isang pangarap. Sa pagkislap ng oras nakikita ko ang isang binatang pilit hinuhuwad ang mga salita mula sa parĂ¡ng at sa kasukalan nito tila uusbong ang isang munting Suragao Cactus hanggang sa umindayog at pumaimbulog ito pataas, hanggang linangin, makita at mabasa ang kanyang Obra Maestro.
            Kaganapan ng isang tao ang makita niya ang kanyang sariling pagbabago mula sa pisyolohikal at pagniig sa kanyang maipatupad ang kaganapang pagkatao (self-actualization).  Buweno, Oo at masaya ako sa aking paglalakbay at makuha ko ang aking nais na makamtan, hangin na sapat sa aking lalamunan, mga blankong papel at salimisim ng aking kasaysayan ng nakaraan. Mula doon, kasalukuyan at sa hinarap nais kong bungkalin ang edukasyon at matuto sa aking mga paham na propessor, mga masisigasig na kamag-aral, at sa mga taong aking nakakasalamuha. Ang aking karanasan ang siyang magbibigay depinisyon sa aking pagkatao upang magtagal, magtibay at kalakasan sa aking pag-aaral.
            Simple lang ang nais ko ang maging isang halaglag na nais maiiambag ang natutunan sa aking kapwa guro, mag-aaral at sa aking mga estudyante. Aking naalala sa aking pag-aaral ay ang guro ay mayroon na tinatawag sa Ingles na “The Seven Domain of Teachers” at ito ang National Competency Based Teacher Standard (NCBTS) at nais ko dito iaambag ang aking mga natutunan.



DLSU-M
            Hindi tayo ang nagnais na maghangad ng masama sa ating sarili at magapi dahil sa kawalan ng pag-ibig at pag-asa. Hindi ko kayang itago ang sariling pagmamahal sa sariling kapakanan lamang, magwalang bahala sa mga bagay na nagmamaang-maangan, magwalang kibo sa problema o suliranin na nararanasan sa ating lipunan. Bilang isang Lasalyano, hangad ko ang pagbabago lalo na sa sistemang bulok at patuloy na inaanay na Edukasyon dahil sa pagmamalabis na nunungkulan, maging isang bulag na hindi nakikita ang liwanag at tanging dilim na siyang bumabalot, nilalamig na sistema at tuluyang nilalason ang pag-iisip. Pag-ibig, Pangarap, Katapatan, Pagsisikap, dangal at kalinisan-ng-budhi ang tanging nais kong ihasik upang makapasok sa larangan ito at sa propesyong ito.
            Kung sakaling ako ay makapasok sa Insitusyong ito nais kong saliksikin ang mga sumusunod:
·         Papaano Ituro ang Wikang Filipino Gamit ang Midyum na Paggamit ng Midya.
·         Ang Pagbabago ng Wikang Filipino Noong Panahon Bago Sumakop ang mga Espanyol, Pananakop ng Espanyol, Amerikano, Hapon (Una at Ikalawang Republika ng Pilipinas) at sa Modernong Panahon.
·         Wikang Filipino Bilang Ikalawang Lenggwahe sa Iba’t Ibang bansa
·         Pagtuturo ng Obra Maestrang Panitikan Gamit ang Midya


Alam ko na maari pa rin magbago ang nais na masaliksik ko dahil sa akig pag-aaral at mapalitan o maari namang mapayabong aking nais na mapag-aralan. Sa pag-inog ng aking oras, hayaang manging hinog at maging hitik sa bunga ang aking pag-aaral sa Pamantasang ito at hayaang maging isang Suragao Cactus.

No comments:

Post a Comment